Mula sa suspensyon diretso na sa pagpapatanggal ang nangyari kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla inirekomenda na palitan si Bantag ni acting BuCor chief Gregorio Catapang.
Unang pinatawan ng 90-day suspension si Bantag noong Oktubre matapos iugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa aka Percy Lapid.
Noong nakaraang linggo, muling pinalawig pa ng 90 pang araw ang suspensyon kay Bantag dahil pina-interview sa isang televsion network si retired Maj. Gen. Jovito Palparan, na nasentensiyahan sa kasong kidnapping.
Katuwiran naman ni Remulla, inabot ng ilang buwan ang pagpapatalsik kay Bantag dahil kailangan dumaan sa proseso ang lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.