Comelec hihirit ng karagdagang P3-B para sa Barangay, SK elections

By Jan Escosio January 23, 2023 - 02:06 PM

 

Hihingi ng karagdagang P3 bilyon ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elctions sa darating  na Oktubre.

Ibinahagi ni Chairman George Erwin Garcia na sa pinakamadaling panahon sa Pebrero nila ihihirit sa Kongreso ang karagdagang pondo.

Sa Marso ay i-aadjourn muli ang sesyon ng Kongreso para naman sa paggunita sa Semana Santa.

Una na rin sinabi na hindi magkakaroon ng dagdag sa bayad sa mga guro at iba pang poll workers n magsisilbi sa papalapit na eleksyon dahil hindi sila nabigyan ng karagdagang P10 bilyon.

Nabatid na P2 bilyon lamang ang idinagdag ng Kongreso para sa pagkasa ng Barangay at SK elections.

 

TAGS: barangay, comelec, elections, sk, supplemental budget, barangay, comelec, elections, sk, supplemental budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.