Higit 23.2M nagparehistro na ng SIM – DICT

Inanunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na higit 23 milyong subscribers na ang nagparehistro ng kanilang subscriber identity module (SIM).

Hanggang noong nakaraang Biyernes, Enero 20, may 23,291,433  na ang rehistrado ang SIM.

Sa PLDT – Smart ang may pinakamarami sa bilang na 11,716,059, 9,669,285 naman sa Globe Telecom, at sa DITO ay 1,906,089.

Paalala ng DICT, hanggang Abril 29 na lamang ang pagpapa-rehistro sa SIM at walang plano na ito ay palawigin.

Una nang sinabi ni DICT spokesperson Anna Mae Lamentillo na kada araw at may isang milyon na magpapa-rehisro ng kanilang SIM

Read more...