Lunar New Year, sinalubong ng kilos protesta ng climate campaigners
Kinalampag ng climate campaigners ang Filipino-Chinese community sa Binondo, Manila sa
Sinalubong ng kilos protesta ng climate campaigners ang Lunar New Year ng Filipino-Chinese community sa Binondo, Manila.
Bitbit ang mga placard, nagsagawa ng dragon dance performance sa Fil-Chinese Friendship Arch ang grupong Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD), Sanlakas, Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), at Oriang Women’s Movement para ihirit ang New Year’s resolution na tugunan ang climate crisis at isulong ang patas at equitable transition sa renewable energy.
Hinihikayat ng grupo ang China na tigilan na ang pagpopondo sa lahat ng fossil fuel projects at suportahan ang transition renewable energy systems sa mga developing countries.
“These are the two important actions for climate that China can make happen. It is time for a total shift away from public and commercial overseas energy financing of all fossil fuels – coal, gas and oil – and scale up sustainable, fair and non-debt creating financing for the rapid development of renewable energy systems in Asia,” pahayag ni Lidy Nacpil, APMDD coordinator.
Nagsagawa rin ng sabayang pagkilos ang grupo sa Bangladesh at Pakistan.
Ipinapaalala ni Nacpil kay Chinese President Xi Jinping na tuparin ang pangako nitong i-phase out ang lahat ng coal investment at suportahan ang renewable energy projects.
“China is in a position to provide critical leadership in the rapid development of renewable energy because of its status as a major global producer of solar and wind technologies,” pahayag ni Nacpil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.