Tugon ito ni Sereno sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na uso sa sangay ng hudikatura ang TRO for sale.
Ayon pa nga kay Duterte, nagkakahalaga ng milyong piso ang isang TRO.
Sa panig ni Sereno, sinabi nito na tuloy ang paglilinis ng kanilang hanay sa mga tiwaling miyembro ng hudikatura.
Sinabi pa ni Sereno na welcome sa kanya ang pahayag ni Duterte na alisin sa gobyerno ang korupsyon.
Iginiit pa ni Sereno na mula nang maupo siya sa pwesto noong 2012, hinimok na niya ang publiko na maglabas ng ebidensya kung sila ay nabiktima ng katiwalian ng mga miyembro ng hudikatura.