Mga biktima ng TRO for sale, pinalalantad ni CJ Sereno

By Chona Yu June 11, 2016 - 04:15 AM

cj serenoHinimok ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang publiko na lumantad at dumulog sa kanilang hanay kung nabiktima sila ng TRO for sale o bentahan ng temporary restraining order.

Tugon ito ni Sereno sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na uso sa sangay ng hudikatura ang TRO for sale.

Ayon pa nga kay Duterte, nagkakahalaga ng milyong piso ang isang TRO.

Sa panig ni Sereno, sinabi nito na tuloy ang paglilinis ng kanilang hanay sa mga tiwaling miyembro ng hudikatura.

Sinabi pa ni Sereno na welcome sa kanya ang pahayag ni Duterte na alisin sa gobyerno ang korupsyon.

Iginiit pa ni Sereno na mula nang maupo siya sa pwesto noong 2012, hinimok na niya ang publiko na maglabas ng ebidensya kung sila ay nabiktima ng katiwalian ng mga miyembro ng hudikatura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.