Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naging produktibo ang naging pagdalo niya sa World Economic Forum sa Switzerland.
Sa kanyang arrival statement sa Villamor Air Base, ibinida ng Pangulo ang progreso ng bansa sa kanyang partisipasyon sa WEF na aniya ay siyang tunay na global multi-stakeholder platform.
Sinabi ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng dinaluhang forum ay nakapag-secure ang pamahalaan ng trade and investment opportunities at mahahalagang partnerships na susuporta sa mga programang magpapaunlad sa bansa.
Sa pamamagitan ng engagement ng punong ehekutibo sa WEF, maraming mga lider at eksperto sa gobyerno, negosyo, civic organizations at academe na dumalo ang tumanggap ng magandang balita na ang Pilipinas ang nangunguna sa economic recovery at performance, hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa buong mundo.