Babaeng drug surrenderee sa Parañaque City, itinumba

By Jan Escosio January 23, 2023 - 05:59 AM

Patay ang isang 36-anyos na  babaeng drug surenderee matapos pagbabarilin sa Parañaque City kagabi,

Kinilala ang biktima na si Manilyn Acuesta Guinto, ng Bagong Ilog St., Barangay Baclaran, sa lungsod.

Ayon kay Police Capt. Mythor Santos alas-8:10 kagabi nang umalingawngaw sa lugar ang magkasunod na putok ng baril.

Kasunod nito ay nakita na ang walang buhay na biktima sa kalsada.

Sinabi ni Santos na pakiki-usapan nila ang mga may ari ng security cameras sa lugar kung maaring mapanood ng awtoridad ang mga kuha para sa pagkakakilanlan ng salarin.

Dalawang basyo mula sa kalibre .45 na baril ang nakuha sa lugar.

 

TAGS: drug, Murder, Paranaque, drug, Murder, Paranaque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.