Grupo ng mga mangingisdang Filipino itinaboy ng Chinese Coast Guard sa WPS
Nakatangggap ng sumbong mula sa isang grupo ng mangingisdang Filipino ang Philippine Coast Guard (PCG) ukol sa ginawang pagtataboy sa kanila ng Chinese Coast Guard sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Ang mga mangingisda ay mga taga-Palawan, ayon kay PCG spokesman, Commo. Armando Balilo.
Aniya iniulat sa kanila kahapon ni Lito-Al-os, kapitan ng F/B Ken-Ken, na ang mga Chinese Coast Guard ng barko na may bow number 5204 ang nagtaboy sa kanila sa pangingisda sa Ayungin Shoal o Thomas Shoal.
Ang Ayungin Shoal ay may layong 105 nautical miles kanluran ng Palawan at nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
“Accordingly, CCGV 5204 maneuvered towards FFB KEN-KEN at a distance of approximately 800 yards and deployed a rigid hull inflatable boat (RHIB),” ani Balilo.
Dagdag niya ang mga tauhan ng CCG na sakay ng speedboat ang nagpalayas sa mga mangingisda.
Sabi pa nito, sinundan pa ng CCG ang mga umalis na Filipino hanggang sa Boxall Reef.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.