Contigency plan hiniling ni Sen. Bong Go sa CAAP

By Jan Escosio January 21, 2023 - 05:26 PM

NAIA PHOTO

Para hindi na maulit ang nangyaring breakdown sa operasyon ng NAIA noong unang araw ng bagong taon, pinaglalatag ni Senator Christopher Go ang contingency plans ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pagbibigay-diin ni Go, s a lahat ng pagkakataon ay mahalagang may nakahandang back-up plan upang maiwasan na maulit ang katulad na aberya at hindi dapat na maging banta pa sa national security ang isang ‘technical glitch’. Mahalaga aniyang may nakalatag na contingency measures nang sa gayon sakali mang magkaproblema ay mayroon agad na ikalawang option na hindi muling maaaberya ang air traffic management system. Iginiit ng senador na pagdating sa mga teknikal na kagamitan at pasilidad ay dapat may nakahanda agad na contingency plan dahil nakasalalay dito ang pambansang seguridad at buhay ng mga pasahero. Muli namang kinalampag ni Go ang pagtataas ng police visibility at aviation security sa NAIA habang patuloy na isinasaayos ang intelligence capabilities ng mga airports upang hindi makompromiso ang ligtas na paglalakbay ng mga pasahero.

TAGS: NAIA, national security, technical glitch, NAIA, national security, technical glitch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.