Manila Water patuloy na namumuhunan para sa tuloy-tuloy na 24/7 service

By Jan Escosio January 21, 2023 - 04:28 PM

Nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng Manila Water sa kanilang mga pasilidad, bukod sa pagpapatayo ng mga bagong imprastraktura.

Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo nila sa kanilang mga kustomer sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Ginagawa ito ng Manila Water bunsod na rin ng mga hamon ng mga tumatandang pasilidad, gayundin ang mga banta dala ng mga kalamidad, maging ng climate change.

Gumawa ang East Zone water concessionaire ng Service Improvement Plan na naka-angkla sa Water Security para matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa kanilang mga dumadami pang kustomer.

Gayundin  ang Service Accessibility para mas marami pa silang maabot na mga komunidad; Service Continuity, para matiyak na may suplay ng malinis na tubig ang kanilang mga kustomer kahit may kalamidad.

Panghuli ang Enviromental Sustainability, para sa proteksyon ng kapaligiran na nakahalaga sa kanilang serbisyo at operasyon.

Nakapaloob din sa Service Improvement Plan ang mga proyekto, kasama na ang pagpapabuti at rehabilitasyon ng kanilang water treatment plants, pump stations at reservoirs, tulad ng Balara Treatment Plant, East La Mesa Treatment Plant, chemical and chlorine houses, and 80 pump stations and reservoirs.

Tinatayang gagastos ang Manila Water ng P37.7-B para sa mga proyekto hanggang 2027.

TAGS: manila water, rehab, service, tubig, manila water, rehab, service, tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.