Maliliit na negosyo sa bansa bubuhusan ng suporta ng administrasyong-Marcos Jr.
By Chona Yu January 20, 2023 - 07:59 PM
Davos, Switzerland – Palalakasin pa ni Pangulong Marcos Jr. ang micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Sinabi ito ni Pangulong Marcos Jr. sa Country Strategy Dialogue sa idinaos naWorld Economic Forum (WEF) dito at aniya layon nito na nakasama sa digital economy ang mga maliliit na negosyante sa bansa. Ayon sa Pangulo, central theme ng digitalization efforts ng administrasyon ang MSMEs. “We aim to empower and enable MSMEs to participate in the digital economy and thus significantly narrow the digital divide,” pahayag ng Pangulo. Kinikilala ng Pangulo ang kahalagahan ng digitalization bilang key driver para sa long-term development sa economic transformation para sa post-pandemic global economy. Aniya ang CREATE Act o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act ay nagbigay daan para maayudahan ang mga nasa MSMEs. “And I think that’s where the growth is coming from,” pahayag ng Pangulo. Sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual na target niyang makakuha ng mga idea sa ibang lider para matulungan ang mga nasa MSMEs. “Ang pinunta ko rito, isa na ‘yun nga ‘yung makipag-usap sa mga investor, pero ang isang mas malaking objective ko nga eh makapag-exchange ng ideas kung papaano halimbawa tutulungan ang mga maliliit na negosyo, ‘yung mga tinatawag nating MSME,” pahayag ni PascualDisclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.