Pagdalo ni PBBM sa WEF, malaking tagumpay – Finance chief
By Chona Yu January 20, 2023 - 07:48 PM
Davos-Switzerland—Path-breaking para sa Pilipinas ang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) dito.
Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, nagtagumpay si Pangulong Marcos na maipresenta sa international community na maayos na ang ekonomiya ng Pilipinas.
“The President successfully pictured to the international community an economy that is fundamentally sound and is expected to have one of the highest growth rates in the Asia Pacific region, if not the world,” pahayag ni Diokno
Naidiga kasi ni Pangulong Marcos sa buong mundo na maaring pumalo sa sa 7 percent ang economy growth ng bansa noong 2022 dahil sa paglalagak sa imprastraktura, na pinakamataas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia-Pacific region.
Sinabi rin ng Pangulo sa Philippine Country Strategy Dialogue, na nasa 6.5 percent ang projected GDP growth pero maaring pumalo sa 7 percent.
Ayon kay Diokno, naipakita ni Pangulong Marcos na malakas ang ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.