Partylist Rep. Bong Teves sinabi na dapat may subsidiya sa mga nagtatanim ng sibuyas

Para hindi na mapagsamantalahan at maabuso ang mga nagtatanim ng sibuyas, sinabi ni TGP Partylist Representative Jose ‘Bong’ Teves na nakikita niya ang pangangailangan na magkaroon ng subsidiya sa mga magsasaka ng sibuyas.

Ayon kay Teves kung may konkreto at direktang tulong mula sa gobyerno, hindi malulugi ang mga nagtatanim ng sibuyas.

Paliwanag pa ng mambabatas, sa ganitong paraan din ang gobyerno na ang bibili ng mga sibuyas.

“Mula sa mga taniman, idiretso at ibenta na sa Kadiwa Stores ang mga sibuyas na binili ng gobyerno sa mga magsasaka,” diin ni Teves.

Mawawala aniya sa negosasyon ang mga ‘middlemen’ o ahente na binabarat ang mga magsasaka ngunit sa mataas na presyo nila ibinebenta sa mga negosyante ang mga sibuyas.

Dapat lang aniya matiyak na ang subsidiya o ang presyo ng gobyerno ay katanggap-tanggap sa mga magsasaka para sila ay ganahan na magtanim at mabuhay ng maayos.

Read more...