Nagkasundo na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), at ang Metro Manila Council (MMC) sa nilalman ng Metro Manila Traffic Code para sa isinusulong na single ticketing system.
Napagkasunduan sa pulong ng tatlong ahensiya ang ‘final 20 most common traffic violation penalties’ na ipapatupad ng lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
“After a series of consultations with the LGUs and the transport sector, we have also finalized the standardized fines and penalties for the most common traffic violations, such as disregarding traffic signs, illegal parking, and number coding, among others,” ani MMDA acting Chairman Don Artes.
Ipapasok naman ang Metro Manila Traffic Code sa LTO Land Transportation Management System (LTMS) na popondohan ng MMDA.
“We will conduct an inventory of each LGU with regards to their respective systems and equipment for the planned interconnectivity with the LTO database for them to have access to the motorists’ records,” dagdag pa ng opisyal.
Sabi pa nito mareresolba na ng single ticketing system ang mga isyu na bumabalot sa no-contact apprehension policy at ang pagkumpiska ng lisensiya.