3M pamilyang Filipino nagutom sa huling bahagi ng 2022

Sa pagsasara ng 2022, dumami ang pamilyang Filipino ang nagutom, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ito ay nangangahulugan na 11.8 porsiyento ng pamilyang Filipino ang nagsabing nakaranas ng gutom dahil sa kakulangan ng pagkain.

Mataas ito ng 0.5 porsiyento kumpara sa naitalang 11.3 porsiyento noong nakaraang Hulyo hanggang Setyembre.

Marami sa mga nagsabing nagutom sa Mindanao sa bilang na 738,000 pamilya na mababa kumpara sa 893,000 noong ikatlong bahagi ng nakaraang taon.

Tumaas naman sa Visayas sa 576,000 mula sa 336,000 at bumaba din sa 11.7 porsiyento o 399,999 pamilya sa Metro Manila mula sa 558,000 sa sinundan na survey.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 10 hanggang 14 na may 1,200 adult respondents.

Read more...