Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa barangay 836 malapit sa Pandacan oil depot alas 4:31 ng hapon.
Alas 7:18 ng gabi nang itaas sa 5th alarm ang sunog.
Tumagal ng mahigit sa tatlong oras ang sunog bago ito naideklarang fire under control alas 7:53 ng umaga.
Sa video ng netizen na si Marielle Cruz, makikita ang napakalaking apoy sa nasunog na lugar.
Fire hits residential area in Pandacan, reaches 5th alarm https://t.co/jwNaNt7WId | @NCorralesINQ pic.twitter.com/WjSgI0wgIC
— Inquirerdotnet (@inquirerdotnet) June 10, 2016
Ayon kay Fire Officer 1 Philprich Saporna, inaalam pa nila kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Patuloy din ang imbestigasyon para matukoy kung ilang bahay ang naapektuhan ng sunog.