Ph education landscape study ng Globe ibinahagi sa DepEd
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Sa isang kakaibang hakbang, ibinahagi ng Globe ang consumer research findings nito sa Philippine education landscape sa Department of Education (DepEd) para makapag-ambag sa national education agenda.
Inisyal na isinagawa upang tulungan ang Globe na higit na maunawaan ang mga customer nito, natuklasan sa pagsasaliksik ang estado ng edukasyon pagkatapos ng pandemya.
Nilalaman din ng pag-aaral ang pangmatagalang epekto nito sa sektor ng paggawa at pangkalahatang ekonomiya ng bansa.
Lumahok ang mga estudyante, guro, magulang school administrators, employers, at kawani ng mga ahensiya ng gobyerno sa customer behavior survey.
Lumabas sa resulta ang tatlong umuusbong na tema: “Why we learn,” na nakapokus sa mga hangarin at learning mindsets; “What we learn,” na sumusuri sa mga kasanayan at curriculum; at “How we learn,” na nakatuon sa tools, methods, at metrics na ginamit upang masukat ang student performance.
Isa sa pangunahing kumabas sa research ang potensiyal para sa mga estudyante at magulang para pabilisin ang pagkatuto sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.
“At Globe, we recognize the crucial role that education plays in shaping the future of our country and its people. We are committed to using our resources and expertise to support government programs and initiatives that aim to improve the state of education in the Philippines. Sharing this research is just one way we can contribute to this important national agenda,” ani Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly Crisanto.
Matagal ng adbokasiya ng Globe ang pagtulong sa sektor ng edukasyon sa bansa.