4 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Davao Oriental

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2016 - 08:16 PM

Davao orNasawi ang apat na katao at sugatan naman ang 21 iba pa matapos maaksidente ang isang Elf truck sa SItio Waywayan, Barangay Tuagiubo, Mati, Davao Oriental.

Ayon kay Insp. Bryan Salveron ng Mati PNP, papuntang Mati City ang nasabing truck mula sa Aribo, Pantukan, Compostela Valley province ng maganap ang aksidente kaninang madaling araw.

Ayon sa driver ng truck na si Nove Sarin, 29 anyos, hindi umano gumana ang brake ng sasakyan dahilan para mag-overshoot ito sa kalsada at tuluyang tumagilid.

Aminado naman si Sarin na mabilis ang kanyang pagpapatakbo ngunit nang kumambyo umano siya ay hindi na gumana ang preno ng sasakyan.

Papunta umano sila ng Mati City para dumalo sa isang palaro.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing aksidente.

Habang ang mga nasugatan ay ginagamot pa sa Mati Regional Hospital.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.