4.5% inflation ngayon 2023 kakayanin

By Chona Yu January 19, 2023 - 05:44 AM

PCO PHOTO

Davos-Switzerland—Kumpiyansa ang economic managers ni Pangulong Marcos Jr., na kakayanin ng bansa na mapanatili sa 4.5 percent ang inflation ngayong taon.

Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, ito ay dahil sa maganda ang gross domestic product growth ng bansa.

Sa ngayon, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas, kabilang na ang  sibuyas na  nasa P600 kada kilo habang ang asukal naman ay nasa P100 kada kilo.

Sinabi naman ni National Economic Development Authority Sec. Arsenio Balisacan na hindi permanente ang isyu sa inflation.

Isa sa mga dahilan aniya kung kaya tumataas ang bilihin dahil sa epekto ng ibat ibang kalamidad.

Una nang iniulat ng Global Risks report 2023 sa World Economic Forum na ang debt o utang at inflation ang pangunahing banta sa Pilipinas.

Sa naturang pag-aaral, sinabi ng mga negosyante na limang bagay ang nagbabanta sa Pilipinas –  natural disasters, debt crisis, inflation,  misinformation at  geopolitical disputes sa mga tanging yaman o resources.

Tinukoy ng naturang report na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na madalas na daanan ng ibat ibang uri ng kalamidad.

TAGS: gdp, Inflation, gdp, Inflation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.