Magnitude 7.3 quake sa Davao Occidental hindi nakapaminsala, walang nasugatan

PHIVOLCS PHOTO

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na hindi nagdulot ng malaking pinsala at wala din nasaktan sa  magnitude 7.3 offshore earthquake na tumama sa   Sarangani, Davao Occidental kaninang hapon.

Sinabi ni Diego Agustin, ng OCD Joint Information Center, tanging mahihinang ‘intensities’ lamang ang naramdaman sa mga katabing lugar.

“Sa ngayon wala pa po tayong damage or casualty na natanggap dahil mahina lang ang epekto nito,” aniya.

Dagdag pa ni Agustin sa panayam sa radyo; “Itong 7.3 magnitude na lindol ay offshore, wala po ito sa mismong landmass ng Pilipinas. Kung susukatin, nasa bandang 352 km away sa landmass ito, bandang nasa dagat ito.”

Ayon sa Phivolcs, alas-2:06 nang maganap ang lindol.

Nasukat ito ng Intensity II sa Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba sa Sarangani; General Santos City, Tupi, Santo Nino, Koronadal City at T’Boli sa  South Cotabato.

Read more...