Hontiveros: Mga Filipino ginagawang scammers ng Chinese mafia sa Cambodia
Ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na may mga Filipino na biktima ng illegal recruitment ang ginagawang ‘crypto scammers’ sa Cambodia.
Aniya pinipilit ang mga ipinuslit na Filipino na mag-trabaho sa Chinese mafia.
“Filipinos are becoming the main target of human trafficking syndicates. Matapos nating matulungan ang ilang Pinoy sa Myanmar na inaabuso at sapilitang pinagtrabaho bilang crypto scammer, ngayon, malalaman nating meron din palang ganitong modus sa Cambodia. These fraud factories are part of a disturbing industry that has to be dismantled,” sabi ng senadora.
Nalaman ito ng senadora mula sa isa sa mga naging biktima na nagawang makabalik sa bansa.
Ayon sa biktima, trabaho sa call center ang ipinangako sa kanila, ngunit ginamit sila para manliko ng mga American at Canadian citizens.
Nailigtas na ng awtoridad sa Cambodia ang ilang sa mga kasamahan ng biktima, ngunit ayon kay Hontiveros hindi maganda ang kondisyon ng mga ito.
Umaasa ang senadora na agad kikilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para agaran nang makabalik ng Pilipinas ang iba pang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.