Sa halip na makatulong, naging balakid pa sa industriya ng asin sa bansa ang Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN) Law sa industriya ng asin sa bansa, ayon kay Senator Cynthia Villar.
Aniya sa halip na lumago, bumagsak pa ang industriya simula nang ipatupad ang batas noong 1995.
Pagbabahagi ni Villar, noong dekada ’50, umabot sa 5,000 ektarya ang pagawaan ng asin sa bansa at nagpo-prodyus ito ng 240,000 metriko tonelada kada taon.
Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Agriculture, napabayaan at hindi napalawak ng batas ang asinan sa bansa at wala rin mga bagong namuhunan.
Binanggit niya na noong 2021, pitong porsiyento lamang sa pangangailan sa asin sa bansa ang natutugunan ng mga lokal na mag-aasin at ang 93 porsiyento o 550,000 metriko tonelada ay inaangkat pa.