12 ang patay sa suicide bombing sa Iraq

baghdadLabing dalawang katao ang nasawi matapos na araruhin ng isang suicide bomber na sakay ng kotse ang checkpoint ng Iraqi army sa Baghdad.

Ayon sa mga otoridad, naganap ang pag-atake sa bayan ng Taji, o nasa 20 kilometers north ng Baghdad.

Kabilang sa mga nasawi ang pitong sibilyan at limang sundalo.

Nasa 28 katao naman ang nasugatan.

Sa imbestigasyon, sakay umano ng isang kotse na puno ng mga bomba ang isang suicide bomber nang dumere-deretso ito at binangga ang checkpoint.

 

 

Read more...