Davos, Switzerland—Magdudulot ng maganda ang pagdalo ni Pangulong FMarcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) dito.
Pahayag ito ni dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair matapos ang muli nilang pag-uusap ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Blair, hindi naging maganda ang standing ng PIlipinas noong nakaraang taon.
“So to have somebody to come and articulate very clearly where the country is going, what it’s doing. I think it sends a good signal,” pahayag ni Blair.
Tugon ni Pangulong Marcos, mahalaga ang consistency lalo na kung makikipag-usap tungkol sa negosyo.
Mahalaga kasi ayon sa Pangulo na malaman ng mga negosyante ang kondisyon ng pagnenegosyo sa isang bansa para mailatag ang malinaw na plano.
“There should be some kind of stability, some kind of consistency whichever way you’re going. So in terms of policy from the political end, I think it’s important,” pahayag ni Blair.
Tinalakay din nina Pangulong Marcos at Blair ang Development Plan ng Pilipinas na aniya ay hindi lamang para sa economic development kundi maging sa social upliftment ng bansa.
Ayon sa Pangulo, pagpapaangat ito sa buhay ng mga Filipino na ilang taon nang pinadapa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Nakasentro ang development plan ng Pilipinas sa digitalization, logistics, infrastructure development, energy, tourism at food security.
Matatandaang dalawang beses nang nagpulong sina Pangulong Marcos at Blair.
Nagkausap na ang dalawa sa sideline ng United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre sa New York, Amerika.
Muling nagkausap ang dalawa noong buwan ng Oktubre nang magtungo sa Palasyo ng Malakanyang si Blair.
Pinag-usapan ng dalawa sa Malakanyang ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.