Ligalig ng senior officials sa AFP inamin ni Galvez

By Jan Escosio January 18, 2023 - 09:14 AM

Hindi na nagawa pa ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., na mailihim ang mga napaulat na pagkaligalig ng ilang matataas na opisyal ng AFP.

Inamin na ni Galvez na hindi kampante ang mga opisyal sa ilang probisyon sa batas na nagtatakda ng ‘fixed three-year terms’ sa mga matataas na opisyal.

Si Sen. Jinggoy Estrada ang kumulit kay Galvez ukol sa pag-ugong na may mga naliligalig na opisyal sa sandatahang-lakas.

“Yung grumbling normal na pag merong  inefficiency and valid concerns,” pagbabahagi ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee on National Security, na pinamumunuan ni Estrada.

“I admit there’s grumbling kasi nakikita natin maraming  affected,” dagdag pa ng kalihim.

Ibinahagi niya na bago tumulak sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland si Pangulong Marcos Jr., ay naayos na rin ang mga gusot.

TAGS: AFP, defense, promotion, AFP, defense, promotion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.