Toll Regulatory Board offcials nagsagawa ng inspection sa CALAX

By Jan Escosio January 18, 2023 - 08:45 AM

MPTS PHOTO

Sinuri ng mga opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang 14-kilometer operational segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) kamakailan.

Pinamunuan ni TRB officer-in-charge Josephine Turbolencia ang inspection sa technological, safety, security features, toll plaza operations, kasama na ang Automatic License Plate Recognition (ALPR) cameras at RFID system sa CALAX.

Binisita na rin ang ginagawa Silang (Aguinaldo) segment na nahinto ang konstruksyon dahil sa isyu ng right-of-way.

“While we work closely with our grantor, DPWH to fast-track delivery of right-of-way, especially in the critical area in Silang, we continue to do construction work on areas where right of way has already been granted so as not to further delay the project” sabi ni MPCALA President Raul Ignacio.

Kapag natapos ang kabuuan ng CALAX hanggang sa Aguinaldo Highway, mapapaluwag nito ang mga pangunahing lansangan sa Cavite at Laguna.

Pahahabain ang CALAX ng 45 kilometro para dumugtong naman sa CAVITEX.

Sa ngayon, nadadaanan na ang bahagi ng CALAX mula sa Mamplasan sa lungsod ng Binan at ang interchanges sa Laguna Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road hanggang  Silang East.

TAGS: CALAX, inspection, safety, Security, trb, CALAX, inspection, safety, Security, trb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.