Ito ang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na isa sa mga gumawa ng batas.
Aniya ngayon taon, ang mga kumikita ng P250,000 kada taon ngunit hindi hihigit sa P8 milyon ay matatapyasan ng income tax mula 15% hanggang 30% mula sa 20% hanggang 32% alinsunod sa RA 10963.
“Inaasahan natin na lalo pang lalakas ang domestic consumption na may malaking kontribusyon sa paglago ng ating ekonomiya. Dahil sa pinababang buwis, mas mataas ang take-home pay ng mga empleyado na magiging malaking tulong sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin,” ani senador.
Dagdag pa niya; “Dahil sa mas mataas ang kanilang kita, inaasahan din natin na magiging maganda itong insentibo para sa mga empleyado na lalo pa nilang paghusayan ang kanilang trabaho at magtulak sa kanila para mag impok o kaya ay mamuhunan.”
Sa ngayon, tax free ang mga mga kumikita ng P250,000 o mas mababa kada taon.