Naghain ng panukala si Senate Majority Leader Joel Villanueva para magkaroon ng scholarship sa mga nais maging abogado.
Paliwanag ni Villanueva layon ng kanyang Senate Bill 1639 na maamyendahan ang RA 7662 o ang Legal Education Reform Act of 1993 para magkaroon ng probisyon para sa pagkakaroon ng ‘Legal Scholarship and Return Service Program.
Aniya, nag-ugat ang kanyang panukala sa kanyang obserbasyon na nangangailangan ng mas maraming ‘public defenders’ sa bansa dahil ang Public Attorney’s Office (PAO) ay mayroon lamang 2,500 abogado sa buong bansa.
Sa kanyang panukala, ang mga scholar na magiging abogado ay kailangan na magsilbi sa PAO o sa ibang ahensiya ng gobyerno katumbas ng taon ng kanyang scholarship.
Umaasa si Villanueva na sa ganitong pamamaraan ay maraning estudyante ang mahihikayat na mag-aral ng abogasiya.