S.A.F.E. NCRPO pag-aralan maikasa sa buong bansa – Abalos

By Jan Escosio January 17, 2023 - 05:37 AM

Hinihikayat ni Interior Secretary Benhur Abalos ang ibang opisyal ng pulisya sa ibat-ibang dako ng bansa na pag-aralan na maikasa din ang S.A.F.E. NCRPO App.

Sinabi ni Abalos na napapanahong instrumento ang naturang app-based alert system sa paglaban sa mga kriminal na gumagamit na rin ng teknolohiya sa kanilang modus.

“I congratulate the NCRPO Safe App napaka importante nito with the launching of this app alert to make use this technology. Napakaganda ng liderato ng Philippine National Police at inaasahan natin na with the launching of this S.A.F.E. NCRPO App Alert talagang lalo tayong kikilos maigi,” aniya.

Naniniwala ang kalihim na sa pamamagitan ng tech-based crime fighting system ay bababa pa ang crime rate sa bansa.

“Ang strength natin dito, it’s not just technology, it’s not just the police or the mayors. But most importantly ang taong bayan. Kasama mo sa fight na ito. So all of these combined, I’m sure baba ang mga crime rate na ito,” dagdag pa ni Abalos.

TAGS: cellphone, crime, NCRPO, technology, cellphone, crime, NCRPO, technology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.