Zurich, Switzerland – Walang problema kay Pangulong Marcos Jr. na kausapin sa telepono si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Tugon ito ng Pangulo sa pahayag ni Denys Mykhailiuk, Charges d’affaires ng Embassy ng Ukraine sa Malaysia na halos anim na buwan nang nilang inaayos ang paguusap nina Pangulong Marcos at Zelenskyy subalit hanggang ngayon ay wala pang tugon ang Punong Ehekutibo.
Ayon sa Pangulo, nakagugulat ang naturang pahayag dahil noon pa man ay nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap subalit wala namang schedule.
“Well, there was talk of it a few months — a couple of months ago pero hindi na — wala ng napag-usapan. That’s why nagulat kami when the special envoy came out and said na hindi pa sinasagot. Sinagot namin but we didn’t get it — we couldn’t get it scheduled,” pahayag ng Pangulo.
Nakahanda ang Pangulo na suportahan si Zelenskyy sa anong hakbang ng pagtataguyod ng kapayapaan.
“I have no problem with talking to President Zelensky, especially now that mainit na ang giyera doon sa kanila. So of course we are — again on the side of peace and that remains the same. But any expressions of support that he might feel is needed, we are happy to provide it,” pahayag ng Pangulo.
Dumistansya naman ang Pangulo sa tanong kung susuportahan ng Pilipinas ang Ukraine sa panukalang 10 point peace plan.