P261-M halaga ng smuggled sugar nasamsam sa Batangas

BUREAU OF CUSTOMS PHOTO
Kinumpiska ng mga tauhan ng  Bureau of Customs-Port of Batangas ang isang barko dahil sa kargang tone-toneladang puslit na asukal. Nabatid na ang 80,000 packs ng asukal ay nagmula sa Thailand. Ayon sa BOC ang MV Sunward ay pumasok sa Philippine contiguous zone ng walang Notice of Arrival at ito ay paglabag sa mga batas at regulasyon. Sinabi naman ng Sugar Regulatory Administration na walang iimport permit. Agad na nagpalabas si District Collector Ma. Rhea M. Gregorio ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tarrification Act kaugnay naman sa mga polisiya ng Department of Agriculture- Sugar Regulatory Administration at Bureau of Plant Industry o sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 and Food Safety Act of 2013.

Read more...