Barangay Ginebra nabawi ang PBA Commissioner’s Cup crown

By Jan Escosio January 16, 2023 - 06:10 AM
GINEBRA SAN MIGUEL PHOTO

Nasungkit ng Barangay Ginebra ang kanilang ika-15 kampeonato nang pataubin ang bumisitang Bay Area Dragons ng Hong Kong sa Game 7 ng PBA Commissioner’s Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa iskor na 114 – 99 napanatili ng Ginebra na walang pang foreign guest team ang nakakakuha ng kampeonato sa PBA.

Nagmistulang dehado sa simula pa lang ng laro ang Dragons dahil sa 54,589 nanood ng laban para suportahan ang Ginebra.

Sa second quarter, uminit ng husto ang Ginebra sa pamamagitan ng 21-7 pasabog sa pagtutulungan nina Justin Brownlee, Jamie Malonzo at Scottie Thompson.

Mula doon ay sinagot na ng Ginebra ang lahat ng mga pagtatangka ng Bay Dragon na makabangon.

Pumutok si Brownlee ng 34 puntos, 22 kay Malonzon at 18 kay Thomposon.

Binanderehan naman nu Myles Powell ang Bay Dragons sa kanyang 29 puntos at 25 naman ang ginawa ni Hayden Blankley.

Si Barangay Ginebra center Christian Standhardinger naman ang tinanghal na Final’s Most Valuable Player (MVP).

 

 

TAGS: Champion, Ginebra, PBA, Champion, Ginebra, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.