Ididiga ni Pangulong Marcos Jr. sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland ang isinusulon na Philippine sovereign wealth fund o ang Maharlika Investment Fund.
Ayon sa Pangulo, ilalatag niya sa world leaders kung ano ang sitwasyon sa Pilipinas at ang mga balakin sa mag sektor ng agrikultura, enerhiya at digitalization at climate change.
“Well, no, simply because in general pare-pareho naman ‘yung ginagawa natin dito sa mga trips. We talk about the Philippines, what the situation is as an investment destination. Now, as added to that. Mayroon na tayong pwedeng pag-usapan na sovereign wealth fund,” pahayag ng Pangulo.
President Marcos to pitch Maharlika Investment Fund at World Economic Forum in Switzerland. To focus agriculture, energy, digitalization and climate change. @radyoinqonline pic.twitter.com/0sNRcRDUQM
— chonawarfreak (@chonayu1) January 16, 2023
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na soft launching lamang ang gagawin ng Pangulo sa Maharlika Investment Fund sa World Economic Forum.
Ayon kay DFA Undersecretary Carlos Sorreta, ideya ng Pangulo na ipakilala ang Maharlika Ivestment Fund sa World Economic Forum para mapalawak ang investible funds ng state run financial institutions.
Sa ngayon, aprubado na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtatag ng Maharlika Investment Fund.
Sa ilalim ng panukala, maglalaan ang Landbank of the Philippines ng P50 bilyong pondo, P25 bilyon ang iaambag ng Development Bank of the Philippines, gayundin ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ipakikita ng Pangulo sa mga dayuhang lider na kaakit-akit na ang Pilipinas para paglagakan ng negosyo.
Bukod sa Maharlika Investment Fund, excited ang Pangulo na magkaroon ng informal na makausap ang ibang world leader at mg negosyante.
Nasa Switzerland ang Pangulo ngayon para sa World Economic Forum na tatagal ng hanggang Enero 20.
Tema ng World Economic Forum ngayong taon ay ang “Cooperation in a Fragmanted World.”