
Matapos ang abmornalidad na ipinakita ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na magdamag, tuluyan nang sumabog ang bulkan ngayong umaga.
Sa inilabas na eruption notification ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs naitala ang pagsabog sa bulkan kaninang alas 11:35 ng umaga, at nagpatuloy ang pagbubuga nito ng abo hanggang alas 11:40 ng umaga.
Umabot sa 6,562 feet o 2,000 meters ang taas ng ash o steam plume mula sa crater ng bulkan sa direksyong Northwest.
Inilarawan din ng Phivolcs na “grayish to white” ang kulay ng abo at usok na lumabas sa bunganga ng Mt. Bulusan.
Bago ang nasabing pagputok, sa magdamag na obserbasyon ng Phivolcs ay may naitalang 113 na volcanic earthquake sa Bulusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.