Reporma para labanan ang smuggling, ipatutupad ni Pangulong Marcos
(Courtesy: PSAC)
Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng reporma sa pamahalaan.
Ito ay para malabanan ang smuggling bansa at maibaba ang presyo ng mga bilihin.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Private Sector Advisory Council, itinutulak nito ang pagkakaroon ng maayos at magaan na pagnenegosyo sa bansa.
“To be brutally frank about it, we have a system but they are not working. The smuggling here in this country is absolutely rampant. So it does not matter to me how many systems we have in place, they do not work,” pahayag ng Pangulo.
“So we really have to find something else. We cannot continue to depend on these systems which have already proven themselves to be quite ineffective,” dagdag ng Pangulo.
Dismayado ang Pangulo na hindi maayos na naipatutupad ang sistema sa bansa.
Hindi aniya dapat na balewalain ang problema sa smuggling dahil ito ang dahilan kung kaya nahihirapan ang taong bayan.
Isa sa mga rekomendasyon ay ang magkaroon ng pagbahagai ng database ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Agriculture (DA) sa mga impormasyon ng mga kargamento para malabanan ang smuggling..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.