26 bus units ng Victory Liner, sinuspendi

By Chona Yu January 13, 2023 - 04:26 PM

 

Sinuspendi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 26 bus units ng Victory Liner, Incorporated.

Ito ay matapos masangkot sa aksidente ang isang unit sa La Union kung saan nasawi ang tatlong indibidwal at maraming pasahero ang nasugatan.

Tatlumpong araw na suspensyon ang ipinataw ng LTFRB.

Sa ipinalabas na kautusan ng LTFRB, hindi na muna pinapayagan ang operasyon ng 26 na bus units ng Victory Liner na biyaheng Cubao patungong Baguio City via Dau, Tarlac, at Urdaneta.

Magsisimula ang suspensyon sa araw na matanggap ng Victory Liner, Inc. ang kautusan at kailangan ding isuko ng kumpanya ang for-hire na plaka ng mga bus unit.

Sa panahon ng suspensyon, iniutos ng LTFRB na ipasailalim sa road safety seminar ng Land Transportation Office ang mga drayber na nakatalaga sa mga bus na sinuspindi ang operasyon.

Ipinasusumite rin sa bus company ang Roadworthiness Certificate ng mga bus unit maliban sa nasangkot sa aksidente gayundin ang pruweba na nagbigay ito ng tulong-pinansyal at binayaran ang insurance benefits sa pamilya ng mga biktima ng aksidente.

Inatasan pa ng Board ang kumpanya na magtakda ng petsa para sa regular na preventive maintenance service ng mga bus nitong suspendido ang operasyon.

Maliban sa suspensyon, binigyan ng LTFRB ng 72 oras ang Victory Liner upang magsumite ng nasusulat na paliwanag kung bakit hindi dapat masuspindi, makansela o mabawi ang Certificate of Public Convenience (CPC) at ipinahaharap sa pagdinig sa Enero 24, alas-10 ng umaga sa TFRB Central Office sa East Avenue, Quezon City.

Sakaling mabigong tumugon ang Victory Liner, Inc., maituturing itong pagsuko ng kanilang karapatan na marinig at magdedesisyon ang Board batay sa mga ebidensya na hawak nito.

Huhulihin din ang mga suspendidong bus unit sakaling matukoy na bumibiyahe pa rin ito sa kabila ng kautusan.

“While the incident may look like it was unintentional, it could have been still avoided had the bus involved underwent a thorough road worthiness inspection. This should be a lesson learned for all public utility vehicles. The mindset of bus operators, drivers and conductors should always be about road safety whenever they go out and serve the commuting public; otherwise they have no business operating in the public transportation sector,” pahayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.

 

TAGS: ltfrb, news, Radyo Inquirer, suspended, Teofilo Guadiz, Victory Liner, ltfrb, news, Radyo Inquirer, suspended, Teofilo Guadiz, Victory Liner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.