Pagbabantay sa NAIA dapat palakasin sabi ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio January 13, 2023 - 03:57 PM

 

Sinabi ni Senator Christopher Go na may pangangailangan na dagdagan ang presensiya ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) kasunod nang pagtanggal ng scanners at x-ray machines sa airports.

Dapat din aniya paigtingin ang intelligence gathering ng mga awtoridad para tiyakin ang kaligtasan sa mga paliparan.

“Suportado ko naman ang desisyon na gawing mas maginhawa ang paglalakbay sa ating bansa, pero mas mabuting may sapat na pag-iingat pa rin,” aniya.

Nangangamba lang ang senador na maaring maging delikado sa NAIA sa mga may masamang balakin.

Binanggit pa nito ang nangyaring pambobomba sa Davao City noong 2003 at maaring mangyari ito sa NAIA kung luluwag ang security protocols.

“Siguraduhin nating ligtas ang ating mga airport at huwag pabayaan ang karapatan ng mga pasaherong naapektuhan.” dagdag pa ni Go.

TAGS: bong go, NAIA, news, Radyo Inquirer, Security, bong go, NAIA, news, Radyo Inquirer, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.