Mahigit 100 volcanic quakes sa Mt. Bulusan, naitala sa nakalipas na magdamag
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ng mahigit isang daang volcanic earthquakes sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Sa datos ng Phivolcs, sa nakalipas na magdamag, umabot sa 113 ang pagyanig na kanilang naitala sa naturang bulkan.
Nitong mga nagdaang mga araw, may namamataan ding usok mula sa crater ng bulkan.
Magugunitang ipinagbawal muna ang paglapit sa crater ng bulkan ng mga turista dahil sa ilang abnormalidad na naitala sa nagdaang mga buwan.
Ayon sa Phivolcs, nananatili naman sa alert level one ang Mt. Bulusan.
Mahigpit pa ring umiiral ang “no entry policy” sa loob ng 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.