Pamamahagi ng digital National ID pinamamadali ni Pangulong Marcos
Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng digitalization ng National Identification (ID) system para sa public at private transactions.
Ginawa ng Pangulo ang utos matapos ang pulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) on Digital Infrastructure sa Palasyo ng Malakanyang.
Natalakay sa pulong ang panukala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na Public-Private Partnership (PPP) para sa launching ng Digital PhilID App.
Kabilang sa mga target naman ng Philippine Identification System (PhilSys) sa unang quarter ngayong taon ay ang paglulunsad ng mobile app para sa National ID system.
Hiniling ng Pangulo sa pribadong sektor na tulungan ang pamahalaan na maipamahagi na ang National ID.
“Naiwanan na tayo sa technology, so we have to catch up,” pahayag ng Pangulo.
Kabilang sa mga benepisyo ng digital ID system ay ang automated eKYC (Know Your Customer), identity theft protection, credit card at loan applications, at digital wallet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.