17 patay, 2 nawawala sa pagbaha sa bansa

By Chona Yu January 13, 2023 - 01:26 PM

 

Umaakyat na sa 17 ang nasawi dahil sa pagbaha sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, lima sa nasawi ay galing sa Bicol region, apat sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao, tatlo sa Eastern Visayas at isa sa Davao region.

Pito katao ang naiulat na nasugatan at nilalapatan ng lunas.

Pinaghahanap naman ang dalawa katao na naiulat na nawawala.

Nasa P252.6 milyong halaga ng agrikultura at P165 milyong halaga ng imprastraktura ang nasira.

 

 

TAGS: baha, death toll, news, patay, Radyo Inquirer, baha, death toll, news, patay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.