Anak ni Elvis Presley pumanaw na

 

Pumanaw na ang anak ni rock and roll legend Elvis Presley na si Lisa Marie Presley.

Ayon sa pahayag ng pamilya, pumanaw ang singer-songwriter na si Lisa Marie sa edad na 54.

Isinugod ang singer-songwriter sa intensive care unit sa isang ospital sa California dahil sa cardiac arrest.

Natagpuan si Lisa Marie ng kanyang housekeeper sa loob ng bahay na wala ng malay kung kaya agad na isinugod sa opistal.

Nagpapasalamat ang pamilya Presley sa mga nagdasal at nakiramay.

 

Read more...