May libreng sakay sa MRT at LRT sa June 12

MRTMay libreng sakay na ipagkakaloob sa mga pasahero ng MRT, LRT line 1 at LRT line 2 sa June 12, araw ng Linggo.

Ito ay bahagi ng mga aktibidad sa paggunita ng ika-118 anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Sa Independence Day, June 12, libreng makakasakay ang mga pasahero sa tatlong train system sa Metro Manila mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay ay maaring ma-avail ng mga pasahero sa nabanggit na mga oras sa MRT3 na ang ruta ay mula North Avenue, EDSA hanggang TAFT Avenue sa EDSA at pabalik.

Gayundin sa LRT-1 na ang ruta ay mula Baclaran, Pasay hanggang Roosevelt Quezon City at pabalik, at sa LRT-2 na may rutang Recto, Manila hanggang Santolan, Pasig at pabalik.

Samantala, ang Pasig River Ferry ay magbibigay din ng libreng sakay sa mga pasahero sa Linggo mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Layon din ng mga libreng sakay na mahikayat ang publiko na makiisa sa mga aktibidad sa Independence Day na karamihan ay nakasentro sa Rizal Park sa Maynila.

Kabilang dito ang libreng medical at dental services at jobs fair.

 

Read more...