Inihirit ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatayo ng mas maraming Kadiwa Stores para mailapit sa mga konsyumer ang mga produktong-agrikultural.
Naniniwala din ang senador na isang paraan ito upang maibaba ang presyo ng mga produkto sa posibleng pinakamababang halaga.
“Para matugunan nang maayos ang problema sa mataas na presyo at kakulangan ng mga produktong pang-agrikultura, tulad ng sibuyas, kailangang mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas marami pang Kadiwa Centers,” aniya.
Sabi pa nito na sa pamamagitan ng ‘farm-to-market retail centers’ magkakaroon ng motibasyon ang mga magsasaka na pagbutihin ang kanilang produksyon.
“Ultimately, this would increase farm output levels which in turn would mean higher income for farmers and lower food prices for consumers,” dagdag pa ni Gatchalian.
Dapat din aniya palawigin nh gobyerno ang probisuon ng mga subsidiya sa mga magsasaka tulad ng Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk Program (FDFFP).