Gatchalian: Kadiwa Stores padamihin ng husto

By Jan Escosio January 13, 2023 - 09:52 AM

Senate PRIB photo

 

Inihirit ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatayo ng mas maraming Kadiwa Stores para mailapit sa mga konsyumer ang mga produktong-agrikultural.

Naniniwala din ang senador na isang paraan ito upang maibaba ang presyo ng mga produkto sa posibleng pinakamababang halaga.

“Para matugunan nang maayos ang problema sa mataas na presyo at kakulangan ng mga produktong pang-agrikultura, tulad ng sibuyas, kailangang mabigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas marami pang Kadiwa Centers,” aniya.

Sabi pa nito na sa pamamagitan ng ‘farm-to-market retail centers’ magkakaroon ng motibasyon ang mga magsasaka na pagbutihin ang kanilang produksyon.

“Ultimately, this would increase farm output levels which in turn would mean higher income for farmers and lower food prices for consumers,” dagdag pa ni Gatchalian.

Dapat din aniya palawigin nh gobyerno ang probisuon ng mga subsidiya sa mga magsasaka tulad ng  Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk Program (FDFFP).

TAGS: Gatchalian, news, Radyo Inquirer, Gatchalian, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.