Bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsabing sila ay mahirap dumami – SWS

By Jan Escosio January 13, 2023 - 09:36 AM

 

Nadagdagan sa huling bahagi ng 2022 ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsabing sila ay mahirap.

Base sa resulta ng Social Weater Station (SWS) survey, 51 porsiyento o 12.9 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap.

Sa 3rd quarter survey, Hulyo hanggang Setyembre, ang bilang ay 12.6 milyon.

May 31 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay nasa ‘borderline’ ng pagiging mahirap, samantalang 19 porsiyento ang nagsabi na hindi sila mahirap.

Sa 12.9 milyong pamilya, walong porsiyento ang nagsabi na hindi sila mahirap isa hanggang apat na taon bago ang 2022 at 5.8 porsiyento naman lima o higit pang taon bago ang nagdaang taon.

“In the last four quarters, the national median Self-Rated Poverty Threshold (minimum monthly budget) stayed at ₱15,000, while the national median Self-Rated Poverty Gap fell from ₱6,000 in October 2022 to ₱5,000 in December 2022,” ayon sa SWS.

Isinagawa ang survey Disyembre 10 hanggang 14 at may 1,200 adult respondents.

TAGS: mahirap, news, Radyo Inquirer, SWS, mahirap, news, Radyo Inquirer, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.