DA: Presyo ng sibuyas bababa sa P100 kada kilo.

BOC File Photo

 

Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA)na bababa hanggang sa   ₱100  ang kada kilo ng sibuyas kapag dumating na sa bansa ang mga aangkatin sa ibang bansa.

Nilinaw naman ni DA deputy spokesman Rex Estoprez na ito naman ay pagtatantiya lamang dahil hinihintay pa nila ang huling presyo ng mga mag-aangkat at kailangan din ikunsidera ang mga lokal na sibuyas.

Aniya ang 21,060 metriko tonelada ng imported na sibuyas ay inaasahan nila na darating hanggang Enero 27 kasabay ng pag-ani ng mga lokal na sibuyas.

Nagsimula noong Lunes ang pagsusumite ng aplikasyon para sa pag-aangkat ng sibuyas at ngayon ang huling araw.

Pagbabahagi ng opisyal na itinulak na nila ang pag-aangkat ng sibuyas noong Setyembre at Oktubre dahil sa inaasahan na ang pagtaas ng halaga nito sa Kapaskuhan ngunit hindi naisagawa dahil sa pagdami ng mga nakukumpiskang sibuyas.

Read more...