Patay ang 10 katao matapos ang pagbaha sa ibat ibang bahagi ng bansa dulot ng shear line.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang, lima ang nasawi sa Region 5, apat sa Region 10 at isa sa Region 11.
Apat katao ang naiulat na nasugatan habang dalawa ang naiulat na nawawala.
Ayon sa NDRRMC, nasa 108,790 na pamilya o 452,000 katao ang apektado.
Nasa 1,462 na pamilya o 5,500 na indibidwal ang nanatili sa 42 na evacuation centers.
Nasa 156 na bahay ang totally damaged at 362 ang partially damaged. Nagkakahalaga ito ng P2.4 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.