Bahagi ng lalawigan ng Isabela at Ifugao, 16 na oras na mawawalan ng kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2016 - 09:54 AM

INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ

May labing anim na oras na scheduled power interruption bukas, araw ng Sabado sa mga lalawigan ng Isabela at Ifugao.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ng alas 8:00 ng umaga (June 11) at tatagal hanggang alas 12:00 ng hatinggabi ang power interruption.

Ayon sa NGCP, magsasagawa sila ng commissioning at restoration work sa kanilang Santiago Substation.

Maapektuhan ng brownout ang mga lugar na sineserbisyuhan ng ISELCO I at IFELCO.

Ayon sa NGCP gagawin nila ang lahat upang maipalik ang kuryente ng mas maaga kaysa sa schedule.

 

TAGS: scheduled power interruption, scheduled power interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.