Liquor ban ipatutupad sa Manila para sa pista ng Sto. Niño  

 

Magpapatupad ng liquor ban si Manila Mayor Honey Lacuna sa ilang lugar sa lungsod.

Ito ay bilang paghahanda sa kapistahan ni Senior Sto. Niño  sa Enero 15.

Base sa Executive Order Number 3 na nilagdaan ni Lacuna, ipatutupad ang liquor ban mula Enero 12 hanggang 15.

Iiral aniya ang liquor ban sa mga lugar sa paligid ng Sto. Niño de Tondo Parish at Sto. Niño Parish Pandacan.

Ayon kay Lacuna, ito ay para matiyak na magiging maayos ang pagdiriwang ng pista sa dalawang nabanggit na lugar.

 

Read more...